Thursday, January 14, 2010

Manipis (Thin)



Razor Fish

Razor Fish

Nang mabasa ko ang tema para sa linggong ito, ito kaagad ang pumasok sa isipan ko - mga Razor Fish na nakunan ko nang magpunta kaming pamilya sa Manila Ocean Park noong nakaraang Disyembre. Noong una, inakala kong mga naglulutangang mga seaweeds lamang sila, pero nang tignan kong mabuti, mga isda pala sila. Nakakaaliw pagmasdan sapagkat lumalangoy sila na para bang nahuhulog na balahibo ng ibon.

{When I found out about the theme for this week, I immediately thought about the Razor Fish pictures I took when the family went to the Manila Ocean Park last December. At first, I thought they were just seaweeds floating in the tank, but upon close inspection, I realized they were fishes. Fun to watch because they swam as if somebody dropped some feathers.}

Hirap lang akong kunan sila ng litrato... hindi ko alam kung paano ko ise-set ang camera ko, at sapagkat hindi ko mabago ang bilis ng pagkuha ng litrato, marami sa mga nakunan ko ang kaagad kong itinapon. Hindi man nakakuha ng magagandang litrato, masaya ako na makita ang mga nilalalang dagat na kagaya ng isdang ito.

{I just had a hard time taking their pictures. I didn't know how to set my camera, and because I cannot change the shutter speed, most of the pictures I took were trashed. I might not be able to take good shots, but I was happy to be able to see sea creatures like this kind of fish.}

*** Jenn ***

5 comments:

Unknown said...

haha pareho pala tayo ng problema...di ko rin alam kung papano i-set ang camera sa aquarium. isda pala mga yan, 'kala ko dahon!:p

Ebie said...

Hindi pa ako nakakita ng ganitong isda, baka tropical fishes ito.

Ganda ang kuha mo Jenn. Puntahan mo ang post ni Kotseng Kuba, na mention ka doon.

Happy LP and keep up the good work.

upto6only said...

nakita ko nga yan. galing nila no. kakaiba sila hehehe.

happy LP

Arlene said...

grabe napakanipis nila ano? di pa ako nakakita ng ganyan na isda. :)

nice shots, Jenn!

eye said...

kudos sa sharp shots nitong razor fish. ganda pa ng kulay. blurred ang mga kuha ko dito dati, hehe!

happy new year and happy lp! basta shoot lang ng shoot :)