Thursday, October 01, 2009

Linis (Clean)



Maintaining Cleanliness

Madalas ang mga taong kagaya ng nasa litrato ay hindi pansin ng karamihan. May mga pagkakataon pa nga na maliit ang tingin sa kanya ng ilan, ngunit hindi rin natin pansin na ang mga taong katulad niya ang nagpapanalitiling malinis ang ating kapaligiran. Salamat sa kanya, kahit papaano ay nababawasan ang kalat.

{At most times, a person like him seemed so unimportant. At times, too, people would look down on him, but a few realizes that it's because of him our surroundings are clean. Thanks to people like him, trash are minimized.}

Ang litratong ito ay kuha noong nakaraang Marso nang kami ng aking kaibigang si Halie ay pumunta sa Unibersidad ng Santo Tomas upang kumuha ng mga litrato. Isang mabilis na kuha lamang ang ginawa ko dito dahil ayokong mapansin niyang kinukuhanan ko siya ng litrato, kaya hindi ko na nagawang palitan ang settings ng aking camera. Kami ni Halie ay naisip na gawing sepia ang mga litrato para umakma sa makalumang arkitekto ng unibersidad.

{This picture was captured last March, when my friend Halie and I went to the University of Santo Tomas to take pictures. Just a quick capture because I didn't want him to realize I was taking a picture of him. I wasn't able to change my camera settings already because Halie and I chose to capture the images in sepia to jive with the rustic and old architecture of the university.}

*** Jenn ***

5 comments:

Marites said...

oo nga, pero kung wala sila siguradong ang dumi ng ating kapaligiran. Bilib ako sa mga taong may ganitong trabaho kasi hindi basta2 ang gawain nila.

Unknown said...

ang ganda ng sepia na ito...galing ng kuha mo! hindi madali ng trabaho ng taong ito, mraming pasaway dito sa atin na mahilig magtapon ng basura kung saan-saan lang.

Linnor said...

marangal ang kanilang trabaho. kahanga-hanga ang mga taong pipiliin pa ang maging tagalinis para mabuhay kesa dun sa mga dumidilihensya ng ilegal.

yeye said...

salamat sa kanila! isa silang bayani. :)



eto naman po ung akin :D

LINIS :)

HAPPY HUWEBEST KA-LP :D

Yami said...

isang noble na trabaho din ang pagiging taga-paglinis.