Thursday, October 15, 2009

Maagap (Prompt, On Time)



Sunrise in Coron

Sabi sa diksyunaryo na aking kinunsulta, ang salitang maagap ay mula sa salitang "agap," na ang ibig sabihin ay nasa oras, mabilis, at maaga. Sa ibang konteksto, masasabi ring ang "maagap" ay ang paghihintay o pagbabantay sa isang bagay upang hindi maunahan ng iba.

{The dictionary I consulted said that the word "maagap" was derived from the root word "agap," meaning to be on time, quick, and prompt. In other context, it could also mean to anticipate for something, or to wait for something.}

Una ko nang sinulat sa aking kwaderno ang bukang liwayway para sa temang eto. Nang tanungin ko ang ilan sa aking mga kaibigan, merong isang nagsabi na bukang liwayway din ang naiisip nyang litrato para ilarawan ang pagiging maagap dahil ayon sa kanya, ang taong maagap ay maraming nagagawa kaysa sa taong tutulog tulog. Tama siya.

{I already jot down a sunrise picture in my notes for this theme. When I asked some of my friends what do they see if someone would tell the word "maagap," one of my friends answered the sunrise, too, because a person who wakes up early gets more jobs done than a person who always sleeps. He has a point.}

Sa aking mga byahe, gustong gusto ko laging nakikita ang bukang liwayway o ang takipsilim. Para sa akin, isa iyong magandang indikasyon na magiging maganda ang araw ko, o kaya naman ay naging maganda ang araw na iyon. Para sa temang ito, naisip kong ilahok ang bukang liwayway na kuha ko mula sa aking huling byahe.

{Whenever I travel, I always see to it that I would get pictures of the sunrise and / or sunset. For me, it was a good indication of a great day ahead, or a good reward for a having a great day. For this theme, I am sharing a sunrise picture from my latest travel.}

Pangatlong araw sa Coron, Palawan. Nag-usap na kami ni Erick na gigising kami ng maaga upang masaksihan ang bukang liwayway na matatanaw mula sa isla kung saan kami natulog. Alas singko pa lang ng umaga bumangon na ako upang hintayin ang bukang liwayway. Alam kong medyo matagal hintayin ang mga ganitong pagkakataon, ngunit kapag nariyan na, napakabilis lang dumaan.

{Third day in Coron, Palawan. Erick and I already talked of waking up early so we could witness the sunrise because we were told that it can be seen from the island where we spent the night in. As early as 5:00AM, I was already awake, anticipating the sunrise. I knew waiting for this moment would take some time, but when it comes, it goes by so quick.}

Dahil may islang humaharang, maliwanag na ang kapaligiran nang sumulyap ang haring araw. Pero kahit mahigit isang oras kaming naghintay, ang makita ang araw upang batiin kami ay isang magandang regalo mula sa inang kalikasan. Ang litratong ito ay kuha 10 October 2009.

{Because there was another island blocking the way, it took us more than hour before we saw the sun peeked in. Even though we waited that long, I personally consider it a great gift from Mother Nature telling us we will be having a great day ahead. This picture was shot 10 October 2009}

*** Jenn ***

6 comments:

Marites said...

ganda nang kuha mo maski may islang nakaharang. Miss ko na ang Coron, isa sa pinakamagandang lugar sa Pilipinas. maligayang LP!

Rico said...

Oo nga, maganda ang pagkakakuha. Nakadagdag pa ng story yung island.

julie said...

Iba talaga ang maaga magising, nakakarami :D

AL said...

Ang gandang sunrise di ba at sa Coron pa...special yan ha! Marami ngang nakikitang maganda pag gumigising ng maaga.

Kristi @ Mi Vida Ocupada said...

Beautiful!! Nice work!

thess said...

Totoo sinabi mo. Kailangan talaga ay maagap ka para ' mahuli' mo ang magandang bukang liwayway. Nagulat ang mister ko nuong bakasyon kami sa Thailand kasi 5am ay bumangon na ako, sabi ko kasi ay gusto kong kunan ang bukang liwayway sa dagat....worth it!