Sa una, hindi ko talaga alam ang direktang kahulugan ng "masinop", naisip ko lang kunan ng litrato ang koleksyon kong ito, at habang sinusulat ko ang post na ito, naitanong ko sa isang kaibigan ang ibig sabihin, sabi niya, parang may pagka-OC daw. Siguro, akma naman ang litratong ito, at tunay nga, akma ang napili kong i-lahok sapagkat pagkakita ko sa Internet, ang kahulugan ng "masinop" ay maihahalintulad sa paging malinis at organisado.
{At first, I didn't know the direct translation for the term "masinop", I already thought of taking pictures of my collection, and as I write this, I asked one of my friends about it. He said it has something to do with "being OC", and in a way, I think I got the right picture, and true enough, as I checked the Internet about it, "masinop" has something to do about being neat, frugal, and organized.}
Mula pagkabata, nahilig na ako sa musika. Lumaki kami ng aking kuya na pinakikinggan ang mga lumang plaka at cassette tapes ng aming ama. Habang lumalaki, natutunan kong mag-record ng mga kanta sa radyo, hanggang sa dumating ang panahon na nagpabili ako ng pinaka-una kong cassette tape - "Paraiso" ng Smokey Mountain. Hindi na naibalik ng aking pinsan ang tape kong iyon, pero noong 1994, nabili ko ang pinaka-unang tape gamit ang aking pera - "Get a Grip" ng Aerosmith, na regalo ko para sa sarili ko noong taong iyon. Unti-unti lumaki ang aking koleksyon, pero lumaki lamang iyon nang ako ay nasa kolehiyo. Ang pinaka-huling cassette tape na nabili ko ay ang "The Singles 1992 - 2003" ng No Doubt na binili ko taong 2004. Sa loob ng sampung taon mahigit isang daan din ang nabili kong cassette tapes, na nakatago at nakaayos ng pa-alpabeto sa isang drawer.
{Ever since my childhood years, I am already into music. My brother and I grew up listening to our father's cassette tapes and vinyl records, and as I grow old, I have gotten to know how to record songs from the radio, until I asked my dad to buy me my very first cassette tape - "Paraiso" by Smokey Mountain. My cousin didn't return it to me, but in 1994, I bought my very first cassette tape using my money - "Get a Grip" by Aerosmith, which is a birthday gift for myself that year. Since then, the collection grew, but it was during the college days when I bought the most number of tapes. The last tape I bought was "The Singles 1992 - 2003" by No Doubt, which I bought in 2004. In a span of 10 years, I was able to buy 100+ tapes, which I kept and arranged alphabetically in one of my drawers.}
Hindi na uso ang cassette tapes ngayon, pero masaya ako kasi kahit ang Aerosmith tape ko ay napapakinggan ko pa rin kung gugustuhin ko. Hindi ko alam kung ano'ng gagawin ko sa koleksyon, pero sa ngayon, isa sa misyon ko ang mabili ang mga CD ng mga ito.
{Cassette tapes aren't "in" anymore, but I was happy because up to this date, I could still play that Aerosmith tape if I wanted to. I don't know what will I do with this collection, but right now, one of my missions is to get the CD copy of these tapes.}
Hmmm....
*** Jenn ***
1 comment:
Me mga nakatago pa ding kaming mga tapes. At LP :D
Post a Comment