Tuwing sasapit ang Pasko, hinding hindi mawawala sa ating mga Pilipino ang parol. Gaya ng sinabi ni kuya, "Mahirap man o mayaman, hindi mawawala ang parol sa kabahayan ng mga Pilipino." Para sa temang ito ng Litratong Pinoy, ninais ko sanang litratuhan ang isang barong barong na may parol sa may bintana, ngunit wala akong nakita - marahil dahil hindi naman talaga ako lumalabas masyado. Nang minsan kaming magkakapatid ay naglakad papuntang palengke, napansin ko ang parol na ito sa may poste.
{Christmastime is not complete without the lantern. Just like what my brother said, "Rich or poor, they will always have a lantern hanging on their houses." For this theme in Litratong Pinoy, I hoped of taking a picture of a house in the shanties with a Christmas lantern by the window, but I wasn't able to see one - probably because I didn't really go out that much. Anyway, while my siblings and I were walking to the market, I spotted this lantern by the electric post.}
May pagka-simboliko ang litratong ito para sa akin. Ang mga kable ng kuryente ay gaya rin ng mga kalsadang dinaraanan natin bilang isang tao - may mga pagkakataong nagiging sali-saliwa ang buhay natin dahil sa mga desisyong ginagawa natin, at ang parol ay sumisimbulo kay Hesucristo, ang liwanag na ibinigay sa atin ng Panginoon upang gabayan ang ating daraanan. Ang liwanag mula sa bituin din ang nag-gabay sa tatlong hari upang marating ang sabsaban kung saan ipinanganak si Hesucristo, 'di ba?
{I shot this image because I found something symbolic here. The electric cables are like our own pathways - there are times the roads we're walking into are somewhat tangled to each other because of the decisions we've made, and the lantern symbolizes Jesus Christ, a gift to us from God to guide our way. As what was stated in the bible, the light of the star guided the three kings to where Jesus Christ is, right?}
Kung tutuusin, magkagulo gulo man ang ating mga daraanan sa dami ng kailangan nating gawin, o sa dami ng problemang ating pinagdaraanan, alam natin sa kaibuturan ng ating puso, mayroong liwanag na gagabay sa atin. Kailangan lang natin siyang lapitan.
{Our paths may get tangled with so much things we needed to do, or with so many problems we have to face, but.. we know that deep in our hearts, there's a light from God that will guide us. All we have to do is reach out.}
*** Jenn ***
"Ad astra per aspera"
"to the stars amid adversities"
"to the stars amid adversities"
8 comments:
unique naman ang parol na yan na nakasabit sa poste, hapi LP and meri christmas na rin
Talagang sinilip ko pa ang nakasulat sa parol. "Pray Hard, It Works". Napaka-totoo.
Sana'y mabisita mo rin ang aking lahok ngayong Hwebes: http://www.the24hourmommy.com/2009/12/litratong-pinoy-paskong-pinoy.html
inspiring naman itong post mo, Jenn. totoo talaga ang "Pray Hard, It Works!"
Agree ako k Luna Jen very inspiring nga ang post na ito...
Sana'y ikaw ay mapadaan din sa post ko..
Maligayan Pasko Jen!
oy, ganda ng kuha ng parol. maligayang LP!
nice photo and nice post..
napa ka unique ng shoot na ito... galing..
PRAY HARD IT WORKS..nice
happy LP
nice capture, maganda ang mensahe na nakasulat sa parol - pray hard, it works. at bilib din ako sa taong nagsabit nito dun sa taas ng poste, medyo delikado hehe! maligayang LP at maligayang pasko!
Post a Comment