Napakatagal ko nang hindi nakasali sa Litratong Pinoy - napakaraming dahilan... at inakala kong hindi ako makasasali ngayong linggo sapagkat kaaayos lang ng aming kompyuter at walang kahit anong paraan upang i-edit ang mga litrato. Masaya ako na kahit gamit ang Paint na kasama sa OS ng kompyuter, nalagyan ko ng pangalan ang litratong ito. Una ko munang in-upload sa internet ang litrato at pinalitan ang sukat bago lagyan ng pangalan gamit ang Paint.
{It's been so long since I last joined Litratong Pinoy - so many reasons... and I really thought I wouldn't be able to join again this week because our PC just got fixed and even if there seemed to be no way to edit my pictures, I was thankful that I was able to use the Paint program included in the OS to put in my name for this picture. I first uploaded the picture on the net, changed the size and pasted my name using Paint.}
Para sa temang "Husay" ngayong linggo, napili ko ang larawang ito. Isang imahe ng artwork na nakita ko sa gallery nang magpunta ako sa 5th Backdoor Ventures Arts and Music Festival. Napabilib ako sa mga likhang sining na gawa gamit ang iba't ibang produkto. May mga drawing, oil painting, potograpiya, at merong kagaya nito - na inilapat ang mga tiket na mula sa mga bus bago i-presinta ang larawang gustong ipakita ng pintor. Lubos akong natuwa sa likas na husay na meron ang mga Pilipino.
{For the theme "Skills" this week, I chose this image, taken from a gallery when I attended the 5th Backdoor Ventures Arts and Music Festival. I was in awe of the artworks in the gallery using different media. There were drawings, oil paintings, photographs, and there are artworks like this one - that used a collage of bus tickets as a medium before painting the image the artist wanted to do. I salute the innate skills Filipino people have.}
*** Jenn ***
2 comments:
Kung di po binaggit na ticket sa bus, hindi ko pa maiintindihan yung background ng painting. Nice!
welcome back Jenn.
Ako man, matagal di nakalahok sa LP!
Ang galing naman ng artwork na iyan.
Eto ang aking lahok
Post a Comment