{Our computer monitor died last week, so I wasn't able to post an entry for Litratong Pinoy, so now I'm going to catch up.}
Noong nakaraang linggo, ang tema ay "Karatula." Kuha ito noong nakaraang Pebrero - huling araw namin sa Dumaguete City. Medyo maulap nang umagang iyon, pero sinabi ko pa rin kay kuya na magpunta kami sa may Rizal Blvd. para makita ang bukang liwayway. Habang naglalakad kami pabalik ng hotel, nakita ko ang mga ito, at natawa ako kasi ang daming "No Parking" signs... sabi ko kay kuya, "Ilang karatula ba ang kailangan mo para malaman mong bawal pumarada dito?" Siyempre, alam naman nating naging tambakan lamang ang lugar na ito para sa mga karatula, pero nakakatawa pa rin, di ba?
{Last week, the theme was "Signs." This image was taken last February - on our last day in Dumaguete City. It was a cloudy day, but I still asked brother if we could go to the Rizal Blvd. to see the sunrise. While we were walking back to the hotel, I saw this sight and found it really funny to see that much "No Parking" signs. I told brother, "How many signs do you need to know that parking is not allowed here?" Of course, we all know this spot was just a place where they placed all the signs, but still, it was kinda funny.}
Ngayong linggo, ang tema ay "Palengke." Ang mga litratong ito ay kuha noong nakaraang Marso, nang ako ay pumunta sa La Union. Anibersaryo ng kamatayan ng aking ama nang araw na iyon, at pagkatapos naming dumalaw sa puntod ni dad, kami ng aking tiyahin ay pumunta sa palengke upang mamili ng aming kakainin para sa pananghalian. Nagkataong Huwebes ng araw na iyon - araw ng palengke. Tuwing Huwebes at Linggo, ang palengke ng Bacnotan ay dinarayo ng napakaraming nagtitinda at namimili, na kahit ang daanan ay ginagawang pwesto para sa mga paninda.
{This week, the theme is "Market." These pictures were taken last March, when I went to La Union. It was my dad's death anniversary, and after we visited his grave, my Aunt and I went to the market to buy foods for our lunch. It so happened that it was a Thursday - market day. Every Thursday and Sunday, the market of Bacnotan is flocked with people, that even the walkway were used to sell some produce.}
Hindi ako masyadong nakakuha ng litrato sa loob ng palengke dahil hirap pa rin akong kumuha ng lakas ng loob na kunan ng litrato ang mga tao - baka mapaaway ako o baka kwestyunin ang layunin ko, pero nang kami ng aking tiyahin ay 'di sinasadyang magkahiwalay kami at hindi magkahanapan. Habang hinihintay ko siya sa may labas, kumuha na lamang ako ng ilang litrato. Hindi magaganda ang kuha, kasi may takot pa rin. Siguro kapag bumalik akong muli sa La Union, kukuha akong muli ng mga litrato.
{I wasn't able to take much pictures inside the main market because I still have some confidence issues - it was difficult for me to take pictures of people, afraid I could get into trouble or I might be questioned for my motives, but when Aunt and I cannot find each other in the market, I decided to just wait for her outside. I took these pictures while waiting for her. The pictures weren't good because I took these still with caution. Maybe when I get back to La Union, I would muster up a courage to take pictures.}
*** Jenn ***
6 comments:
hehehehe! natawa din ako sa dami ng No parking sign. Para bang sinasabing "ang tigas ng ulo ninyo ha..etong sa inyo". Maganda nga ang kuha mo sa Bacnotan eh. kuhang-kuha ang atmosphere ng palengke:) maligayang LP!
naaliw naman ako sa mga karatula mo--sama-sama silang lahat. kung di pa gets na No Parking dito, ewan ko na lang.:P
Ang ganda ng mga litrato mo sa palengke. Colorful!
Naku, masarap daw mamili ng gulay diyan sa La Union... mura daw kasi. Di ko iyan napuntahan noon. Galing ng mga kuha mo.
Heto naman ang aking lahok
Wow, makulay ang palengke mu Jenn, at ang daming bawang!
Eto po ang aking lahok.
Panalo ang No Parking signs mo a, nakakatuwa, ang kulit!
ang ganda din ng kuha mo sa mga palegnke, parang ang sarap mamili!
heto naman ang Palengke ko
nyarks :D buti nalang di ko na isip ang bacnotan market, for sure, moments naman ang story ko =))
sana maibigan nyo rin ang aking lahok
magandang araw ka-litratista :)
Salamat sa pagbisita :)
Post a Comment