Mula nang una akong makapunta sa Vigan Mayo ng taong 2006, siguro humigit kumulang sampung beses na rin akong nakabalik. Alam naman siguro na ng lahat na ito ang pinaka-paborito kong lugar, at para sa temang ito ng Litratong Pinoy, muli ko kayong dadalhin sa Calle Crisologo sa Vigan.
{Ever since I first went to Vigan May of 2006, I guess I have visited the place more or less 10 times already. Everybody now knows this is my most favorite place, and for this week's theme, I will (again) take you back in Calle Crisologo in Vigan.}
Napakarami kong litrato ng sikat na lansangang ito, pero itong dalawa sa taas ay kuha Mayo ng taong ito (2009). Dahil nga sa dinami-daming beses ko ng nakapunta dito, naisip kong gumawa naman ng tema - Vigan in Sepia - ngunit hindi rin lubos na nagawa dahil isa sa mga museo sa Vigan ay nakasara. Pero kahit na, na-enjoy ko pa rin ang biyahe kong iyon, lalo't kasama ko ang kuya ko.
{I have taken so many pictures of this road, but these first two pictures were taken May of this year (2009). Because I have been there too many times, I thought of doing a photography theme - Vigan in Sepia - but it wasn't fully realized because one of the museums were closed. But it was a fun trip because I was with my brother.}
Dalawang buwan pagkalipas (July 2009), muli akong nagbalik sa Vigan. Iyon ang unang beses kong magpunta sa Vigan ng mag-isa, at unang beses ko ring ulanin! Inulan man, masaya ako dahil naituloy ko ang nasimulan kong "Vigan in Sepia" na tema. Matapos ang biyaheng ito, hindi ko na alam kung kelan ako ulit makababalik, malamang sa susunod na taon na. Okay lang, naka-dalawang bisita na rin naman ako ngayong taon.
{Two months after (July 2009), I once set food in Vigan. It was my first time to go there alone, and it was also the first time I got rained on! The rain poured hard, but I was happily contented to be able to continue with my "Vigan in Sepia" theme. After this trip, I don't know when I can go back, maybe next year. It's okay, I was able to visit twice this year already.}
*** Jenn ***