Thursday, August 06, 2009

Almusal (Breakfast)



TuyoSiLog

Tuwing mapaparami ang kanin na naisaing para sa hapunan, inaasahan na sinangag ang kakainin sa almusal. Madalas, mga cold cuts ang ipinaparis ko sa sinangag, ngunit dahil ang mga nakalipas na mga araw ay laging nag-uulan, naisipan kong magprito na lamang ng tuyo. Sabi ng isa kong kaibigan, paborito daw niyang kainin ang tuyo tuwing tag-ulan. Sinubukan ko at tama siya, masarap nga.

{Whenever the family would cook too much rice for dinner, it is expected that our breakfast would include fried rice. At most times, we use cold cuts to go with the rice, but because it has been raining the past few days, I thought of frying some dried fish. A friend of mine told me dried fish is his favorite rainy day food, and when I tried it, it was indeed delicious.}

Sa mga pagkaing -SiLog, madalas sunny side up ang luto sa itlog, pero mas gusto ko ang scrambled, nasasarapan kasi ako sa kamatis at sibuyas. Dagdagan pa ng sawsawang suka para sa tuyo, ang isang tasa ng mainit na kape, kumpleto na ang almusal. =)

{In -SiLog dishes, a sunny side up egg accompanies the meal, but I prefer scrambled eggs because I love the taste of tomatoes and onions. Add a spicy vinegar dip for the dried fish and a cup of hot coffee, and breakfast is complete! =)}

*** Jenn ***

12 comments:

Carnation said...

hayyyyy sharapp!! ito sa akin http://sweetcarnation.blogspot.com/2009/08/lp-almusal.html

Mauie Flores said...

Ay pareho tayo ng taste sa itlog. Scrambled with tomatoes and onions. Minsan pag may bell pepper ako hinahalo ko rin. At sinasadya pala naming magpa-sobra ng kanin na sinasaing sa gabi para siguradong may sinangag sa umaga! Hahaha! Takaw ba?

Ito nga pala ang lahok ko: http://www.maureenflores.com/2009/08/litratong-pinoy-almusal-breakfast.html

Yami said...

Isa ko pang favorite ang handa mong almusal. Para sa akin ba ito? :D

Isda rin ang partner ng fried rice ko dito. :-)

http://penname30.blogspot.com/2009/08/litratong-pinoy-almusal-breakfast.html

PEACHY said...

sarap ng almusal... mukhang type ng lahat ang sinangag ah.

magandang araw!

upto6only said...

ohhh tuyo masarap lalo na pag umuulan.

Happy LP

Mirage said...

Another good entry...si sis ang pandesal di ba? Yum!

Anonymous said...

hi! i was blog hopping! Link Exchange?

bang said...

gusto ko din yan!

yeye said...

scrambled eggs. yan ang pinakaunang nailuto ko nung bata pa ako hahaha


weh. tuyo. masarap atlaga yan tuwing tag-ulan :)



eto naman po ung akin :D

Proteksyon at Almusal

HAPPY HUWEBEST KA-LP :D

thess said...

Tama ba naman paglawayin ako sa tuyo nya??!! Naku saan naman ako hahanap nyan dito :D

iska said...

sarap yan! da best talaga ang tuyo kapag tag-ulan...
ako naman, gustong-gusto ko yan pero usually ginagawa ko lang pag weekends. pagkasi may pasok ay nalalasahan ko pa sa hininga ko ang tuyo kahit tanghali na wahahaha!

ohmygums said...

hmmm,yan ang lasang pinoy na hinahanap-hanap ko.