Thursday, August 20, 2009

Merienda (Snacks)



151/365 - Halo - Halo

Bukod sa napakasarap na Chicken Inasal sa Mang Inasal, isa pa sa paborito kong pagkain doon ang kanilang halo-halo. Noong una, medyo alangan akong i-order ito sapagkat baka hindi masarap, pero nang matikman ko, nagustuhan kong talaga. Tuwang - tuwa ako sa napakaraming sangkap sa kanilang halo-halo.. at bagay na bagay rin ang barquillos sa halo-halo.

{Aside from the delicious Chicken Inasal in Mang Inasal, one of my favorites from the said food place is their halo-halo. At first, I was a bit hesitant in ordering this one because it might not be as good, but when I tasted it, I immediately liked it. I was so happy seeing so many ingredients in their halo-halo, and the barquillos also added a nice twist to it.}

Isang payo lang... kung may balak kayong kumain ng halo-halo sa Mang Inasal, wag kayong magpapakabusog sa kanilang rice meals, dahil mahihirapan talaga kayong kainin ito. Noong kami ng aming ina ang kumain nito, pakiramdam namin hindi nababawasan ang laman ng aming baso kahit mga ilang minuto na naming ninanamnam ang pagkain! =)

{A little piece of advice... if you plan to eat halo-halo in Mang Inasal, don't eat much of their rice meals, because you'll be having a hard time eating this one if you were already full. When mom and I had these, we felt as if our glass never rans out of food even if we were eating it for a few minutes already!}

*** Jenn ***

12 comments:

emarene said...

ang ganda ng kuha mo! bagay na merienda sa summer...

Cookie said...

ano ba yan...lahat ng entries ngayon ay napakasarap. naku, gusto na ding kumain ng halohalo..as in..ngayon na :)

LP : Merienda

Mauie Flores said...

Hay naku, nai-LSS ako diyan sa Mang Inasal. Paulit ulit kasi yung "Ma'am, Sir, extra rice?" Hahaha!

Sana'y magustuhan mo rin ang merienda kong hatid ngayong Hwebes!

Carnation said...

natikman ko yan masarap nga ... ito sa akin http://sweetcarnation.blogspot.com/2009/08/lp-merienda-snack.html

Willa said...

tingin pa lang busog na ako sa halo-halo na iyan! ang sarap!!!

bang said...

sarap ng halo-halo!

eto naman ang meryenda ko: http://sweetbitesbybang.com/2009/08/litratong-pinoy-meryenda-kape-at-bagel-with-herbed-cream-cheese/

Rico said...

Hindi pa namin na try kumain sa Mang Inasal. Masarap ba talaga? Masubukan nga. Pati na rin halo-halo nila.

Lynn said...

Growing ang Mang Inasal ha. Ang dami nilang branches but hindi pa ako nakapagtry. When I do, I will order this halohalo too.

yeye said...

matry nga yan. puro chicken lang kasi inoorder ko sa mang inasal hehe



eto naman po ung akin :D

mabigat na merienda :)

HAPPY HUWEBEST KA-LP :D

upto6only said...

gusto ko ng halo halo ang init kasi.

happy LP

PEACHY said...

sobrang miss ko ang halo-halo at gusto ko din ipatikim kay H kaya nun last na bakasyon ko, nagbitbit ako ng maliliit na bote ng mga minatamis na rekado sa halo-halo :-)

Dinah said...

halo halo, another pinoy merienda na talaga namang ang sarap sarap. sinful, pero ang sarap. parang katulad ng merienda kong banana cue.