Thursday, July 09, 2009

Basa (Wet)



Hibiscus

Nang idaos ang Earth Day noong Abril, isa ako sa mga mahilig sa potograpiya na ninais makakuha ng mga litratong may kaugnayan sa mundo at kalikasan. Ang problema, isa iyong maulang araw, at kahit anong nais kong lumabas para kumuha ng litrato, 'di ko rin magawa.

{During the Earth Day celebration last April, I am one of the photo enthusiasts who were hoping to shoot pictures related to earth and nature. The problem was, it had been a rainy day, and no matter how enthusiastic I was to go out and shoot, I simply just can't.}

Kinahapunan, nang mapagod din ang kalangitan sa kaiiyak, ako ay lumabas ng bahay upang humanap ng mga maaring kunan ng litrato. Karamihan sa mga litrato ko noong araw na iyon ay may mga patak ng ulan, at para sa tema ngayong linggo, ito ang napili kong ilahok.

{Late afternoon, when the skies have gotten tired of crying, I went out of the house to take pictures. Most of my pictures that time had water drops, and for the theme this week, I chose this particular picture.}

Isang magandang araw ng Huwebes, Ka-LP!

{Have a happy Thursday, ka-LP!}

*** Jenn ***

12 comments:

B said...

Maganda pa din kahit basa. Happy LP!

Buge
http://musetales.com/?p=105

Mauie Flores said...

gumamela ba yan jen? gusto ko yung kulay niya.

Eto naman po ang aking lahok: http://www.maureenflores.com/2009/07/litratong-pinoy-basa-wet.html

Marites said...

ang ganda ng kulay niya at ang pagkakuha mo. maligayang LP!

iris said...

ganda ng picture, ipost-process mo pa para mas tumingkad ang kulay! :)

arls said...

ang ganda ganda!!!!

ito naman ang aking lahok: http://sunshinearl.com/2009/lp-basa-wet/

luna miranda said...

wow, ang ganda ng basang bulaklak mo (parang di maganda pakinggan 'no? lol). pero, maganda nga talaga!

P.S. seductive ang avatar mo ha?!:P

PEACHY said...

anggaling. sana mapraktis ko din ang pagkuha ng larawang ng tubig
ito naman ang lahok ko
magandang araw!

SASSY MOM said...

Ganda naman ng shot mo ... I love to take pictures like that.
Happy Lp!

Ria said...

i love this shot jenn! you don't need a dslr...what you've got is sheer talent!

irie said...

kahit ano talaga basta bulaklak. maganda parin :)

eto naman po ung akin :D

BASA

HAPPY HUWEBEST KA-LP :D

Zeee said...

lovely shot jenn :)

LP entry: http://www.zdarkroom.info/2009/07/lp-basa-wet/

caryn said...

very nice! ang ganda ng pagkaka-capture nung drops of water ;-)