{Returning again for Litratong Pinoy. I wasn't able to join because I was having a hard time coming up with a picture for the past themes, and because our DVD-ROM has gone bonkers, I can't access my old files. I will try my best to post something for the next themes.. I am missing a lot of LP!}
Para sa temang, "Estranghero," ito agad ang naisip ko. Kuha ito sa Burnham Park ng Baguio City nang kami ng aking kapatid ay bumyahe doon isang araw bago ang anibersaryo ng pagyao ng aming ama. Sa pagkakatanda ko, ito ang unang beses akong kumuha ng litrato ng isang estranghero. Nagsisimula pa lang akong mahilig kumuha ng litrato noon gamit ang aking cell phone, at tanda ko, ninais kong tumambay sa Burnham Park para kumuha ng mga litrato ng bulaklak. Pero sa mahigit isang oras namin sa parke, napansin ko ang matandang mamang ito na hindi man lang gumalaw. Mula ng maupo siya hanggang sa umalis kami ng kapatid ko, ganyan na ang itsura nya. Hindi ko alam kung siya ba ay natutulog o may iniisip... pero kung ano man ang kanyang pinagdaraanan, nawa ang lahat ng iyon ay naayos na sa ngayon.
{For the theme "Stranger," this image quickly came to mind. Taken in Burnham Park, Baguio City when my sister and I traveled there a day before our dad's 1st death anniversary. As far as I could remember, this was the very first time I took a picture of a stranger. I was just starting to get interested in taking pictures using my cell phone. At that time I was more into taking pictures of flowers, the reason why we were in the park. However, in more than an hour of our stay in the park, this old man never moved. I am not sure if he was sleeping or was in deep contemplation, but whatever the man was in, I hope all is well now.}
*** Jenn ***
10 comments:
He looks sad, Jenn. My heart goes out to him. Sana nga din all is well with him.
Happy LP, Jenn and welcome back!
I think the weariness caught up with him. I hope he found solace in this park.
Parang nalungkot ako, mukhang malalim ang iniisip nya. Oo, sana ay wala na ang mga bumabagabag sa isip nya...
oo nga, ang lungkot ng kanyang posture. ang galing ng kuha mo, na-captured emotion 'ika nga.
ang lungkot ng larawan ng ito Jenn :(
Isa ito sa mga litratong naka ka evoke ng feelings talaga. Beautiful.
ang ganda ng kuha mo. ramdam ang emosyon ni manong. sana nga sya ay nasa mabuting kalagayan ngayon.
Heto nga pla ang mga estranghero na nakasalamuha ko. ^_^
oonga parang pagod o malungkot ang mama...i miss Baguio!
Sana nga, kung may dinadala man syang mabigat noon ay maayos na ngayon.
Happy LP and have a fine weekend!
d ko talaga maiwasan malungkot pag may nakikita akong ganyan sis. yung mag-isa lang pagkatapos parang malungkot. naaawa ako. iniisip ko kung ano kaya ang nasa isip nila at that moment at ano nararamdaman nila. hay ewan, teary-eyed ako pag nakakakita ako ng stranger na mag-isa tapos matanda pa.
visiting u here from my google reader. :-)
Post a Comment