Thursday, May 27, 2010

Numero (Numbers)

Kung tutuusin, madali lamang ang temang ito, pero nang ako ay mag-isip na kung ano ang ilalahok ko, parang nagulat ako na hindi ko pala masyadong nabibigyan ng pansin ang mga numero sa paligid ko, at medyo natakot akong baka wala akong maibahagi ngayon.

{The theme is quite easy if you'd think of it, but as I think about what to share, I was a bit surprised that I didn't really focus on numbers in my environment, and for a while I feared that I won't have anything to share this week.}

Sabi nga "the universe is working to your advantage," at sa paglilipat ko ng mga litrato mula sa Facebook papuntang Flickr, nakita ko ito:

{As they say, "the universe is working to your advantage," and while transfering pictures from my Facebook to my Flickr, I found this:}

Welcome Arch


Isang litratong kinunan ko nang kaming magkapatid ay naglakad mula sa palengke ng Tungko (sa bayan ng San Jose del Monte, Bulacan) pauwi ng aming bahay. Upang malibang sa paglalakad, minabuti naming kumuha ng litrato, at dahil hindi naman kami talaga nagagawi doon at walang pagkakataon upang kunan ng litrato ang welcome arch, kami ay tumigil saglit upang kumuha ng litrato.

{A picture I took when my sister and I walked from the Tungko Market (in San Jose del Monte, Bulacan) going home. To be entertained, we would stop for a while to take pictures, and because we don't normally go there, we decided to take pictures when we reached the welcome arch.}

Ang San Jose del Monte ang unang bayan na mararating kung manggagaling ng North Caloocan.

{San Jose del Monte is the first city from North Caloocan.}

*** Jenn ***

13 comments:

Ebie said...

Hi Jenn, ang nakita koy ay ang numero UNO. Akma ang numero sa bayan ng SF Del Monte.

Ganda ang night shots mo.

Julie said...

Aba, parang walang trapik sa Tungko ah :D

Joy said...

kakatuwa naman ang welcome sign ng bayan na yan.

Magandang araw ka-LP! Eto ang akin: http://tanjuakiohome.blogspot.com/2010/05/lp-bilang-numbers.html

Arlene said...

San Jose ba yon, Jenn? Akala ko Malolos ang unang bayan ng Bulacan when u travel from Manila. :)

Nice evening shot!

Mirage said...

Nung binasa ko akala ko ay First City of Kaunlaran...haaays lumabo na yata mata ko dahil sa mga jejemons! lol.

Happy LP!

emarene said...

it's true! kung di pa tayo nagka assignment nito di ko din pinapansin ang mag numero sa paligid natin.

Kim, USA said...

Numero uno talaga and hugis hanip sa pag ka creative ah. Happy LP and thanks for the visit!

LP~Numero

thess said...

talagang Numero Uno! nakakatuwa naman yan

happy lp :)

eye said...

nag-enjoy ako sa view kaya't naduleng at medyo natagalan sa paghanap ng numero uno, toinks! haha!

Willa said...

Yan ang magandang landmark, kitang kita agad, di ka mahihirapan maghanap ng lugar, hanapin mo lang yung malaking number 1!, lol!

iska said...

Napakatagal ko na talagang hindi nagagawi sa norte... hindi ko pa yata sya nakita. OK ang welcome arch nya, simple lang pero kuha agad ang mensahe :-)

Ladynred said...

Yan pala ang Bulacan. Ganda!

ces said...

the most important number, i should say:) perfect entry!