{I had some difficulty thinking what picture to post for this week. As much as possible, I didn't want to use my own family picture because I wasn't the one who took the picture, but other people or the camera itself (with the help of the self timer). I wanted to share a picture that I personally took, and browsing through my files I found this:}
Kuha sa isang fishing village sa may Anda, Pangasinan... ako ay naimbitahang pumunta doon ng isang kamag-anak ng aking pinsan upang bisitahin ang isa pang kamag-anak na doon nakatira. Mahirap ang kanilang sitwasyon dahil sa bundok sila nakatira, at bago pa man makarating sa "main land," kinailangan pa nilang bumaba sa bundok at mag-bangka patungo sa pangunahing pantalan. Kaya nang makita ko ang pamilyang ito (lalo na ang inang may hawak na sanggol), may kaunting kurot sa aking puso. Paano na lang kung may magkasakit sa kanila? Paano sila hihingi ng tulong? Maraming katanungan ang tumakbo sa aking isipan, pero alam ko namang hindi sila titira doon kung hindi sila makahahanap ng solusyon sa ilang problema.
{Taken from a fishing village in Anda, Pangasinan... I was invited by my cousin's aunt to visit her son who lives there. Their situation was a bit tough considering that the people there live in the mountain, and in order to get to the main land, they had to come down the mountain and take the boat to the main port. Seeing this family (especially the mother carrying her little baby) gave a little pinch in my heart. What will happen if one of them gets sick? How are they going to ask for help? Too many questions ran into my head, but I knew none of them would really live here if they knew there are no solutions to certain problems.}
*** Jenn ***
13 comments:
Another magandang kuha na naman Jen! Good work!
Ang sweet naman ang pasyalan ng pamilyang ito!
Jenn, ganda ang kuha mo.
gusto ko ang iyong kuha, maganda.maligayang LP!
Ang ganda ng pagkakakuha mo,pero parang ako ang natatakot, paano kung mahulog yung baby sa tubig?
Salamat, tita Ebie and Marites!
Ang ganda naman ng kuha. Parang eksena sa pelikula :-)
eto na yata ang pinaka-madamdaming entry na nakita ko!
tama ka, may kurot nga sa puso lalo na kung iisipin natin na paano na nga sila :-(
pero pagka-ganda ganda ng kuha mo!
Ang weird... di agad nai-post yung ibang mga comments.
@Willa - Yan din ang takot ko. Ako nga na nag-iisa lang takot na takot akong sumakay sa bangka. :)
I love the emotion shwon in this photo!
pang-pelikula ang dating!
nice job, jen!
Heto nga pala ang aking entry para sa linggong ito. ^_^
Maraming maraming salamat!
nice emotions. i love the story behind the photo
Kaya nga wala ako sa picture eh..lol
Ang gandang shot nito Jenn!
Post a Comment