Thursday, July 02, 2009

Kandado (Lock)

Una sa lahat, kayo ay malugod kong wine-welcome sa aking bagong photo blog. Nawa ang blog na ito ay hindi magkaroon ng anumang problema. Kung meron man sa inyo na nag-link ng aking dating blog, hinihiling ko pong paki palitan na lang ng link na ito. Maraming salamat!

{First of all, I am welcoming you again to my new photo blog. I hope this won't have any problems like the old one. If you're one of the bloggers who linked the old blog, please replace it with this one. Thanks!}




113/365 - The Secret Garden

Ang tema para sa Litratong Pinoy ngayong linggo ay "kandado." Ang litratong ito ay nakuhanan ko noon pang Abril para sa aking Project 365 blog. Noong araw na iyon, naghahanap ako ng maaring litratuhan, at sa tingin ko ay meron na akong litrato, ngunit nang ako ay pauwi na, napansin ko ang kandadong ito sa may hardin ng aming kapitbahay. Dahil pareho ang kulay ng kandado at ng mga dahon, pakiramdam ko bigla akong napasok sa "The Secret Garden," kaya 'di na ako nag-atubiling kuhanan iyon ng litrato.

{The theme for Litratong Pinoy this week is "lock." This picture was photographed last April for my Project 365 blog. On that day, I was out to find a subject for pictures, and I was able to take a picture of what should be my photo for that day, but while I was walking home, I saw this lock in our neighbor's garden. Since the color of the lock and the leaves were the same, I felt I was instantly transported to "the Secret Garden," so I immediately took pictures of it.}

*** Jenn ***

5 comments:

Marites said...

iniisip ko kung ano ang ikinakandado nila:) maganda nga ang kulay at berdeng-berde. maligayang LP at congrats sa bagong blog:)

♥♥ Willa ♥♥ said...

ganda naman ng kandado na iyan, naka camouflage pa sa berdeng dahon. :)
at ang ganda ng theme ng blog mo.look so neat!
LP:Kandado

PEACHY said...

maganda nga ang larawan, maala secret garden pa ang dating.
Happy LP! ito naman ang lahok ko
http://mpreyes.blogspot.com/2009/07/lp-64-kandado.html

agent112778 said...

wala lang ulit, vsit lang

sana maibigan nyo rin ang aking lahok

magandang araw ka-litratista :)

Salamat sa pagbisita :)

Yami said...

Hindi halata 'yung kandado kasi kulay berde rin gaya ng halaman. Eh bakit kaya nakakandado ang mga halaman ng kapitbahay niyo?

O hayan, na-add na kita sa blogroll ko. :-)