Thursday, July 23, 2009

Nakakakilabot (Scary)



Anito

Hindi ko alam kung paano ii-interpret ng mga kapwa ko litratista ang tema ngayong linggo, pero nang makita ko ang tema, eto agad ang naisip ko. Kuha ito sa isang tindahan sa Mines View Park sa Baguio City noong nakaraang Marso. Kasama ko noon ang ang isang pinsan ko para mamasyal, hindi kasi ako masyadong nakapamasyal sa Baguio noong nakaraang Panagbenga Festival dahil sa dami ng mga tao.

{I don't know how will my co-photographers will interpret the theme, but when I first saw the theme for this week, this was the first image I had in mind. This was taken in a store in Mines View Park in Baguio City last March. I was there with my cousin to roam around as I wasn't able to roam that much in the city during the Panagbenga Festival.}

Bago lumabas ng Mines View Park, dadaanan mo ang hile-hilerang tindahan... at minabuti na rin naming mag-usisa sa mga itinitinda doon. Nakita ko ang isang ito, ngunit sa sobrang dilim ng tindahan, naisip kong i-on ang flash. Pagkakuha ng litrato, eto ang lumabas. Kahit ako nagulat din, pero hinayaan ko na lang. Hindi ko alam kung para saan ang anitong ito, pero sa tingin ko, di ko kakayaning bilhin ito at i-display sa aming bahay.

{Before exiting the Mines View Park, people will pass by rows of stores. We decided to check different shops, and I saw this in one of the stores. It was very dark inside, so I thought of turning on the flash, and when I hit the shutter, this image came out. Even I was surprised. I don't know what's this anito is for, but for whatever purpose it serve, I don't think I can buy this and display in our house.}

At dahil usapang Baguio na rin naman, ipinapaalam ko pong mawawala po ako ng ilang araw... mamayang gabi po ay ba-byahe ako pa-Baguio para sa Singles for Christ Metro Manila Conference at isusunod ko na rin po ang aking byahe pa-La Union at Vigan. Sa Miyerkules na po ang balik ko. Salamat sa pagdaan.

{And because I am already talking about Baguio, I want to tell everyone that I will be out for a few days... I will be traveling tonight going to Baguio City to attend the Singles for Christ Metro Manila Conference, and I will also pass by our house in La Union before I travel to Vigan. I will be back on Wednesday. Thanks for dropping by.}

*** Jenn ***

6 comments:

yeye said...

creative talaga sila. kahit mejo creepy mga likha nila hehehehe

eto naman po ung akin :D

Nakakakilabot daw

HAPPY HUWEBEST KA-LP :D

Unknown said...

creepy nga 'to...kaya ayoko ng may mga ganito sa bahay.:D

jennyL said...

eeeekk scray yoko ngang mag dsplay ng ganyan sa bahay lol

PEACHY said...

anito ba yan? laki ng pangil :-)
magandang araw!

PEACHY said...

pahabol:
masarap mamasyal sa vigan, taga dun ako eh, sa likod lang ng jolibee ang bahay namin, yun lumang bahay, kakatakot din yun :-)

Ria said...

great shot as usual jenn!