Thursday, September 16, 2010

Dalawa (Two)

Maligayang pagbabalik sa Litratong Pinoy! Ngayong linggo, ang tema ay "Dalawa," at naisip kong ibahagi ang aming selebrasyon sa ikalawang kaarawan ng aming pusang si Paborito, pero hindi ko mahanap ang litrato, kaya ito na lang ang ibabahagi ko:

{Welcome back, Litratong Pinoy! This week's theme is "Two," and I thought of sharing a picture when we celebrated our cat Paborito's birthday, but I cannot see the pictures, so I would share this instead:}

01 - Hilarious Outake


Mahirap para sa mga matatandang pusa ang tanggapin ang mga kuting, pero nang manganak muli si Mommy Teddy, nagulat ako na hindi nagkaroon ng problema si Oreo sa pag-adjust. Nang makita nya ang mga bagong kuting, nagsimula siyang laruin ang mga ito at bantayan habang wala ang ina. Sa dalawang bagong kuting, dito siya mas malapit, siguro dahil sa magkamukhang magkamukha sila. Nang magsimula nang maglakwatsa ang mga kuting, sila ang laging sleepmates, na minsan iniisip kong mas mukha pa silang mag-ina. Si Oreo ay isang lalaking pusa, kaya minsan natatawa ako habang nakikita ko kung paano niya alagaan ang kuting.

{It is quite difficult for the adult cats to accept the new kittens, but when Mommy Teddy gave birth again, I was quite surprised that our cat Oreo didn't have a difficult time adjusting. When he saw the new kittens, he started playing with them and would watch over them while the mother cat was away. Between the two kittens, he was much closer to this kitten in particular, maybe because they looked very much alike. When the kittens started roaming, Oreo and the kitten would be sleepmates, too, that I thought they were more like a father and son rather than brothers. Oreo, by the way, is a male cat, so it was cute to see how he took care of the kittens.}

Nakakalungkot lang, talagang mahirap ang panahon kung saan tumatawid ang mga kuting mula sa pagdede ng gatas mula sa ina papunta sa pagkain ng mga solid foods, at ang dalawang kuting ay hindi nakayanan ang pagbabago. Marami pa rin naman kaming mga pusa, kaya kahit papaano, okay lang.

{It was just sad that it was always difficult when the kittens jump from feeding through their mother's milk to them eating solid foods. The two kittens had a difficult time adjusting and they died. We still have a lot of cats, so in a way, it was just okay.}

*** Jenn ***

6 comments:

Unknown said...

awww, ganda ng litrato nilang dalawa!

Lino said...

nice jen... ganda ng kuha mo...
Happy LP!

Halie said...

Ang galing! Parang xerox nung malaking pusa yung maliit na kuting. :)

upto6only said...

ang sweet naman. ganda ng pagkakakuha mo. tamang tama ang moment.

happy LP

agent112778 said...

hmmmm. looks familyar... ????? parang nakita ko na yang mag pusa na yan ???? diba ako ang unang nakakita sa xerox na yan?

maligayang araw ka-LP, eto ang aking lahok

Jac said...

ang cute nilang pag masdan Jen parang xerox copy lol. Btw hindi ko makita yung link mo sa FTF sis thanks sa dalaw pala =) Happy weekend.