Thursday, September 30, 2010

Manipis (Thin)

Smoke


Hindi ako masyadong relihiyosa, pero bilang isang Katoliko, importante para sa akin ang i-obserba ang mga mahahalagang araw, gaya ng Mahal na Araw. Ang litratong ito ay kuha noong Huwebes Santo, pagkatapos kong magdasal ng rosaryo. Dahil wala pa akong litrato para sa aking Project 365, ginamit ko na rin ang pagkakataon upang mag-isip ng aking litrato.

{I am not that much of a religious person, but as a Catholic, it is important for me to observe certain important dates in the Catholic Calendar, especially the Holy Week. This picture was taken last Maundy Thursday, after I prayed the rosary. I still don't have a picture for my Project 365 that day, so I also used the time to think of a suitable photo.}

Kinuhanan ko ng litrato ang aking rosaryo, at dahil ginamit ko ang sindi sa kandila upang maging ilaw, napaglaruan ko na ring kunan ng litrato ang usok mula sa kandila. Ilang beses ring nagpatay-sindi ang kandilang ito para lamang makuhanan ko ang manipis na usok. Mahirap magtantya ng pagkakataon, at mahirap i-focus ang camera at dumantay ng kaunti para patayin ang ilaw. Sa huli, napag-alaman kong mas magandang kunan ng litrato ang bagong patay na ilaw mula sa kandila ilang segundo pagkatapos itong ihip-an.

{I took pictures of my rosary, and because I used the candle as my only source of light, I decided to play with candle and took pictures of the smoke. I had quite a few attempts in capturing the thin smoke, and it was quite difficult to focus, time my shot, and leaning forward to turn off the light. In the end, I have learned that it was much better to take a shot of the smoke a few seconds after I blew out the light.}

*** Jenn ***