Thursday, September 23, 2010

Makapal (Thick)




Medyo nahirapan akong maghanap kung anong "makapal" na litrato ang pwede kong ibahagi para sa linggong ito ng Litratong Pinoy, at sa aking paghahanap, nakita ko ito. Kuha dalawang taon na ang nakalipas, nang ako ay maimbitahan ng isang kaibigan para sa isang salu-salo isang araw bago ang huling linggo ng Bar Exams. Napakaraming kailangang aralin... at hindi man ganoon kakapal ang mga aklat na ito, bawat letra sa mga aklat na ito ay mahalaga para sa kanila.

{I had quite a difficult time looking for something "thick" that I could share for this week in Litratong Pinoy, and as I searched through my files, I saw this image. Taken two years ago when I was invited to a little get together a night before the last week of the Bar Exams. So many lessons to review, and although these books weren't that thick, everything that was written in these books were really important for them to know.}

Kahapon, nagkaroon ng isang malaking realisasyon nang mabuko ang isang food blogger na kumokopya ng mga artikulong ilalagay sa kanyang blog. Nagiging talamak ang mga cyber crimes, nawa sa mga darating na panahon ay makagawa ng mga kaukulang batas upang mai-resolba ang mga iyon.

{Yesterday, there was a big revelation when a food blogger was finally "caught" with copied articles from different blogs. Cyber Crimes is becoming rampant these day, I do hope that in the future, there will be laws to protect people.}

*** Jenn ***

ps - "Chef's" food blog no longer exist (guess he was overwhelmed with the comments from the rightful owners of the articles he copied), but his Facebook fan page is still up.

Comments (10)

Loading... Logging you in...
  • Logged in as
ay yay yaya ang kapal nmn ng librong iyan...pwede pa kaya ako sumali sa LP kahit na matagl n konhg nde nakaksali?? andyan p kaya ang pangalan ko or kailangan mag rehistro ulet?
ang hirap atang magdala ng mga ganyang kabigat na libro :) naku, sana maparusahan iyang Chefs na yan!! taga-san ba yan?
1 reply · active less than 1 minute ago
Buti na lang hindi ganyan ka-kapal ang mga aklat ko noon. :)
Hay ang pagaaral nga naman hindi natatapos sa loob ng silid-aralan.

Teka-teka, sino ba yang Chefs na yan ha? Yan ang classic example ng makapal na apog! Amft! Sana mahuli and maparusahan siya.
hindi ko kayang magbasa at magaral ng ganyang makakapal na libro hayyy bilib talaga ako sa mga kumukuha ng law.

aba buti at wala na ang site nya. dapat pati yung facebook din.
1 reply · active less than 1 minute ago
Kaso marami pala siyang blogs at Facebook fan pages... Yung isang luma kong recipe nakopya rin pala niya. Well, yung recipe itself kopya ko lang din (may credit naman akong nilagay), pero yung opening statement bago yung recipe, sa akin yun. Dun ako naiinis.
ako ang tagalinis dati ng bookshelves ng tatay ko, ang bibigat ng mga librong 'to.
as for the thick-faced "chef" kuning-kuning, sana may natutunan sya sa nangyaring ito. totoong nakakainis kapag kinopya ang isinulat mo o kinuha ang litrato mo ng walang pahintulot, but let's face it, when you published something in the net, it's out there. mahirap na ma-control yan.
Kahapon, I reported abuse sa blogger page nya...i don't know if that triggered the blog being shut down but hopefully it did....malamang hindi nya binura lang yun. Kapal talaga! At ang kapal nga ng books mo...
Sobrang kapal nga ng mga librong yan. kung ako siguro required magbasa ng ganyan, di pa ko nakaka-limang page, tulog na ko. hehe

naiintriga ako sa chef na iyan, nabasa ko rin sa fb ang tungkol diyan. may link ka ba sis. gusto ko lang silipin. baka mamaya yung mga baduy kong photo nakopya din.
1 reply · active 757 weeks ago
Ay naku, sorry... now ko lang nabasa ito; wala na mga blogs at FB pages nya... inulan ba naman siya ng messages from the angry bloggers eh. :)

Post a new comment

Comments by