Thursday, December 02, 2010

Bukas (Open)

Baguio Cathedral

Isa sa mga taunang festivals na aking laging inaabangan ay ang Panagbenga Festival sa Baguio City, at dahil isa akong manlalakbay na may limitadong budget, ang aking ginagawa ay kumuha ng biyahe sa gabi at igugol na lamang ang oras sa paglakbay kaysa bumyahe ng mas maaga at kumuha ng kwarto sa hotel. Hangga't makakatipid ako, kakayanin ko.

{One of the yearly festivals that I always anticipate is the Panagbenga Festival in Baguio City; and because I am a traveler on a budget, what I do is to get a bus trip late at night so I can spend the night traveling, rather than getting a hotel room and stay there overnight. As long as I can handle, I'd try my best to lessen my expenses.}

Madalas, ako ay bumibyahe gabi bago ang araw ng Grand Street Parade, para pagdating ko sa Baguio, alam kong saglit na lamang ang aking hihintayin. Hindi naman ako talagang hirap, dahil pagdating ko sa Baguio, alam kong mayroong isang lugar na maari kong puntahan - ang Baguio Cathedral, dahil ang simbahang iyon ay nagbubukas sa madaling araw, hindi lamang ako nakahanap ng panandaliang sisilungan, nasisimulan ko pa ang aking araw sa isang panalangin.

{At most times, what I do is to travel the night before the Grand Street Parade, so when I arrive in Baguio, I know I will just have to wait for a few more hours. It's not a difficult thing to do, really, because when I arrive, I know there is a place I can go to - the Baguio Cathedral, because I know the church is open very early in the morning. Not only am I able to find a temporary shelter, I could also start my day with prayers.}

Baguio Cathedral


Dito na rin ako sa may simbahan naghihintay ng pagsikat ng araw, hudyat para ako ay humanap ng pwesto sa may Session Road upang hintayin ang parada.

{It is also in the grounds of the church where I wait for the sunrise, a signal for me to find a place along Session Road for the parade.}

*** Jenn ***