Thursday, December 30, 2010

Lugar (Place)

Salcedo Park


Madalas kong sabihin na ang Vigan City ang aking paboritong lugar, at kahit may mga bagong lugar akong napuntahan sa taong ito, hindi pa rin iyon nagbabago. Totoo, medyo pangkaraniwang siyudad sa probinsiya ang lugar na ito, at hindi sing ganda ng mga mala-paraisong lugar sa Pilipinas, pero kahit ako ay hindi rin maipaliwanag kung bakit gustong gusto ko rito. Kahit makailang beses na akong nakapunta rito, lagi pa rin akong naghahangad na makabalik.

{I always say that Vigan City is my favorite place, and even if I have visited new places this year, nothing has really changed. True, this place is quite an ordinary city in the province (taking out the heritage village), and not as pretty as the paradise-like places in the Philippines, but even I cannot explain why I just love this place so much; and I always long to travel there, despite the many times I have been there.}

Sa taong 2010, dalawang beses lamang ako naka-byahe rito. Ang litratong ito ay kuha noong Marso. Bihira kong kunan ang parteng ito ng siyudad, kaya ito ang naisip kong ibahagi ang litratong ito.

{For year 2010, I traveled there twice. This picture was taken last March, and I decided to share this picture instead, because I rarely take a picture of the city from this vantage point.}

Sa susunod na taon, hindi ko alam kung ako may makaka-byahe muli rito - pinaplano kong umiba ng direksiyon para naman marami akong ibang lugar na mapuntahan.

{Next year, I don't know if I will be traveling here - I plan to change directions so I can go to other new places, too.}

Manigong bagong taon, ka-LP!

{Happy New Year, ka-LP!}

*** Jenn ***