Thursday, March 10, 2011

Kayumanggi (Brown)

Mr. Horsey


Nito lamang Linggo, bago kami umuwi, kami ng bunso kong kapatid ay pumunta sa Vigan City. Nasabi ko sa kanyang gusto ko ulit kumuha ng litrato sa Calle Crisologo habang maliwanag pa, kasi iyon ang isa sa mga hindi ko nagawa noong huli akong bumisita sa lugar noong Oktubre. Marami kaming oras para magtagal sa Calle kaya't sinulit ko talaga ang pagkuha ng litrato.

{Just last Sunday, before sister and I traveled back home, we first went to Vigan City. I told her I wanted to take pictures in Calle Crisologo during day time because it was something I wasn't able to do when I visited the place last October. We had quite a lot time to spend in the city, so I really took my time in taking pictures in this famous street.}

Habang tumitingin ang aking kapatid ng mga bagay na maari niyang bilhin, nakita ko ang nakaparadang kalesa at nilapitan upang kuhanan ng litrato. Hindi na bago sa akin ang makakita ng kalesa (sapagkat meron din nito sa Manila City), pero tuwing nakakakita ako ng kalesa, parang napa-espesyal ng tingin ko dito - marahil kasi mas pangunahing mode of transportation na ang mga motorized vehicles.

{While sister was window shopping, I saw this parked kalesa (horse drawn carriage) and went closer to take some pictures. Kalesa is not something new for me as there are some in Manila City, too, but whenever I see one, I do find it real special, maybe because the main mode of transportation now are the motorized vehicles.}

Isang beses pa lang ako nakasakay ng kalesa sa Vigan (2006), at hindi pa dumaan sa Calle Crisologo dahil sumakay kaming magkakapatid mula Crisologo Museum papuntang Mira Hills, pero sa bisita kong ito, narinig ko sa mga kutsero na ang isang pasada sa Calle Crisologo ay nagkakahalaga ng p50... kaya siguro sa susunod kong bisita ay gagawin kong sumakay sa kalesa habang binabagtas ang Calle Crisologo para naman masabi kong bumalik talaga ako sa panahong nakalipas.

{I only got to ride the kalesa in Vigan just once (in 2006), and sadly, it didn't pass Calle Crisologo as my siblings and I took the kalesa from Crisologo Museum to Mira Hills, but on this particular visit, I heard that a kalesa ride along Calle Crisologo would be about p50... so maybe on my next visit I will take the kalesa ride along the street so I could really feel I took the time machine to yesteryears.}

*** Jenn ***