Thursday, March 17, 2011

Kulay Rosas (Pink)

Hindi pa rin ganoon kaayos ang aking pakiramdam kaya hindi na ako masyadong naghalungkat sa aking mga files. Sa unang folder na binuksan ko, kinopya ko na kaagad ang unang kulay rosas na litratong aking nakita para i-lahok sa linggong ito.

{I still am not feeling 100% - due to colds - so I didn't give a thorough search in my files. I just copied the very first pink colored picture I saw from the first folder I opened for my share this week.}

Pink


Ang bulaklak na ito ay aking nilitratuhan sa isang flower / plant shop sa La Trinidad, Benguet noong 04 March. Kami ng aking kapatid ay pumunta doon upang bumili ng strawberries at ilang knick knacks, at bago bumalik sa Baguio City, nadaanan namin ang isang shop at naisip kong kunan ng litrato ang mga everlasting na nakatanim sa mga paso. Hindi naman nagalit ang may-ari ng tindahan, kaya inisip ko na ring kunan ng litrato ang ilan pa sa mga bulaklak, kabilang ang isang ito.

{This flower was taken from a flower / plant shop in La Trinidad, Benguet last 04 March. My sister and I went there to buy strawberries and other knick knacks, and before going back to Baguio City, we passed by this shop so I could take pictures of fresh everlasting flowers. The owner didn't mind me, so I decided to take pictures of the other flowers, including this one.}

Hindi ko alam ang pangalan ng bulaklak pero natutuwa akong pagmasdan ang mga iyon sapagkat para silang mga bonsai na nakatanim sa maliliit na paso. Bukod sa kulay rosas, mayroon ding kulay dilaw at kahel. Hindi ko mabibili ang mga halaman, kaya iuuwi ko na lamang ang mga litrato. :)

{I don't know the name of the flower, but I did find it cute because they were like bonsais planted on small pots. Aside from the pink ones, there were also yellow and orange kinds, and since I cannot buy the plants, I'd rather just take home the pictures. :)}

*** Jenn ***