Thursday, January 20, 2011

Malamig (Cold)

Starbucks (Free Sample)


Naitanong mo na ba minsan kung bakit may tubig sa labas ng isang lalagyan kahit hindi naman ito basag o butas? Sa totoo lang hindi ko alam ang sagot, pero may nagsabing dahil daw iyon sa hangin.

{Have you ever questioned why the glass or bottle is wet from the outside even if it's not broken? I honestly don't know the answer, but someone said the air was responsible for it.}

Nakatakda kaming magkita ng aking mga kaibigan noon para sa isang fun shoot, at ang aming "meeting place" ay sa may Starbucks sa Cubao. Ako ang pinaka-unang dumating, at kahit wala naman akong balak bumili ng pagkain at inumin, ninais ko na ring kumuha ng isang mesa para sa aming magkakaibigan.

{My friends and I were to meet for a fun shoot and we decided to meet up at Starbucks in Cubao. I got there first, and even if I had no plans of eating and drinking their foods, I still got ourselves a table.}

Sa paghihintay, may isang crew ang nagbigay sa akin ng isang maliit na tasa ng malamig na inumin. Sabi niya, free sample daw iyon at maaring maging parte ng kanilang menu sa mga susunod na araw. Nakalimutan ko na ang eksaktong pangalan ng inumin, pero sa aking pagkakatanda, may lasang hazelnut iyon.

{While waiting, one of the store's crew gave me a little cup of flavored cold coffee. He told me it was a free sample, and the drink might be available in their menu in the days to come. I forgot the exact name of the drink, but it had a hint of hazelnut.}

Tumikim ako kaunti, pero 'di ko nagustuhan ang lasa kaya't iniwan ko na lamang sa mesa ang tasa. Pagkalipas ng ilang minuto, nagkaroon ng mga water beads sa labas ng tasa, at naisipan kong litratuhan.

{I gave it a taste, but I didn't like it. I let the cup sit on the table, and after a few minutes I noticed some water beads outside the cup, and thought I'd take a picture.}

*** Jenn ***