Thursday, February 17, 2011

Ito (This)

Sunrise


Ito ay isa lamang sa dumaraming dahilan kung bakit nae-enganyo akong mag-jogging sa Colinas Verdes, malapit sa border ng Caloocan City at San Jose del Monte, Bulacan. Hindi naman kami araw araw nagdya-jogging ng aking bunsong kapatid dito, pero tuwing pupunta kami, lagi kong dala ang aking cell phone (o digital camera) para makakuha rin ako ng litrato habang nagpapahinga. Minsan, ang magandang tanawin o bagay na nakapukaw ng aking atensyon ay nagiging dahilan upang tumigil ako saglit, kaya sa linggong ito, laging cell phone na lang ang gamit ko, dahil hindi kayang mag-zoom ng aking cell phone camera, nababawasan ang mga impulses para huminto.

{This is just one of the many reasons why I am enjoying my days jogging in Colinas Verdes, located near the border of Caloocan City and San Jose del Monte, Bulacan. We don't get to jog there everyday, but every time my sister and I go there, I would see to it that I have either my camera or my cell phone so I could also still take pictures while resting. Unfortunately, though, seeing a good scenery or an interesting subject would take away my attention, thus becoming a reason for me to stop from jogging just to take a picture. That being said, this week, I decided to bring just my cell phone so I won't have that many distractions.}

Ang litratong ito ay kuha gamit ang aking digital camera. Dahil wala pa namang nakatira sa lugar, kitang kita ang pagsikat ng araw mula rito. Bukod pa riyan, ang pagkuha ng litrato ng mga puno, mga damo, at ligaw na bulaklak ay ilan pa sa mga dahilan kung bakit masaya akong mag-jogging dito. Idagdag na rin ang mga taong nakakasama sa pag-jogging at paglakad - dahil lahat kami ay may iisang layunin, hindi ako nako-conscious mag-jogging, at alam kong walang mag-tutukso sa akin.

{This picture was taken last week using my camera. Since the place was still bare, sunrise can be seen clearly. Not only that, taking pictures of trees, grasses and wildflowers are just some of reasons why I love to jog there, as well as seeing other people jogging in the area. Knowing that we all have one aim, I don't get ashamed jogging because I know no one would tease me.}

Kanina, cell phone lang ang dinala ko. May mga maliit na bulaklak akong nakita, kaya sa susunod, dadalhin ko ang aking camera para makakuha ng maraming litrato.

{This morning, I brought my cell phone. I saw some little wildflowers somewhere, so next week, I'd surely bring my camera to take their pictures.}

*** Jenn ***