Sabi nila, hindi kumpleto ang selebrasyon ng kaarawan kung walang cake. Bakit nga ba tayo bumibili o naghahain ng cake sa tuwing may nagdiriwang ng kaarawan?
{No birthday is complete without the cake. But why are we buying or serving cake during birthdays in the first place?}
Ang cake na ito ay inuwi ng aking nakababatang kapatid isang araw pagkalipas ng kanyang kaarawan nito lamang Disyembre. Sabi niya, lahat ng nagdiriwang ng kaarawan sa restaurant kung saan siya dati nagtra-trabaho ay binibigyan ng employer ng birthday cake. Gawa ng Kookie Korner, isa lamang iyong maliit na cake, pero masarap, at medyo matamis. Dahil ilang beses na rin siyang nakakain ng cake na ito, inisip niyang iuwi na lang ito para kainin ng buong pamilya.
{My sister brought home this cake a day after her birthday last December. According to her, every time someone at the restaurant celebrates birthday, the employer would give this kind of cake as a gift. Made by Kookie Korner, it was a small cake, yet very delicious and quite sweet. She and her workmates have tasted this cake numerous times already, so she decided to take it home for the whole family to eat.}
*** Jenn ***
ps - Ilan sa aking mga kaibigan sa Facebook ang gumagamit ng Instagr.am, isang application para sa iPhone. Gustong gusto ko ang vintage effect sa mga litrato, pero wala naman akong iPhone kaya gustuhin ko mang gamitin ang application, hindi rin pwede. Gamit ang GIMP, pinaglaruan ko ang litratong ito para maging kasing-hawig ng mga nakikita ko sa albums ng aking mga kaibigan.
{A few of my friends in Facebook use Instagr.am, an application for iPhone. I really love the vintage effect in pictures, but since I don't own an iPhone, I cannot use the application. Using GIMP, I played with the settings for this picture to achieve a similar looking effect.}