Kahapon, kami ng aking kapatid na babae ay nagpunta sa pinakamalapit na Greenwich para kumain. Pareho kaming tamad magluto at kumain sa bahay sapagkat walang kuryente. Nagke-crave na ako ng pizza kaya super excited akong kumain ng pizza. Sa mga overload pizza ng Greenwich, pinili ko ang Angus Maximus dahil sa poster ang daming slices ng baka, nakakatakam.
{Yesterday, my sister and I went to the nearest Greenwich to eat. Both of us were lazy to cook and eat at home because there was no electricity. I was craving for pizza so I was super excited for this foodie "adventure." Of all the overload pizza in Greenwich, I chose the Angus Maximus because the picture in the poster had so many slices of beef that made me drool.}
Nang ilapag ang pizza sa mesa namin, nadismaya ako. Malalaki nga ang hiwa ng baka, pero hindi kalat sa buong pizza. Nais namin ng kapatid kong iuwi ang kalahati para kay mommy at kuya, kaya kinain na lang namin ang slices na kaunti, o di kaya ay walang baka. Angus Maximus? Hindi naman. Angry Maximus? Oo.
{When the pizza was served, I was really disappointed. The beef had thick slices, yes, but it wasn't scattered all over the pizza. My sister and I wanted to take home half of it so mom and brother can taste it, too, so we just ate the slices with the littlest (or no) amount of beef. Angus Maximus? Not really. Angry Maximus? Yes.}
Pagdating sa lasa, hindi rin ako gaano nasarapan. Siguro dahil sanay ang panlasa ko sa Supreme pizza, pero hindi talaga ako nasiyahan sa pizza. Buti na lang masarap ang carbonara na kinain ko.
{The taste wasn't great, too. I guess I am already used to eating Supreme pizza, but then again it wasn't just pleasurable to eat. Good thing the carbonara I ate tasted good.}
*** Jenn ***
2 comments:
Nakak-dismaya nga..ayoko na umorder ng Angus maximus!hahahah
naka! plano ko pa namang bumili nyan. hindi nalang siguro. maligayang LP!
Post a Comment