Thursday, July 01, 2010

Teknolohiya (Technology)




Hindi ako talaga techie, pero nang magsimulang lumabas ang pager at magsunuran ang mga gadgets, ninais ko ring magkaroon ng mga iyon, lalo na ng mauso ang cell phones. Hindi kaya ng aking bulsa ang mga mamahaling cell phones, kaya kapag ang mga kaibigan at mga dating kaklase ay magkakaroon ng bagong cell phone, may kaunting inggit sa akin.

{I am not a techie person, but since the pager came out followed by a wide array of gadgets, I did wanted to own those, especially the cell phone. My pockets cannot really buy gadgets, so when friends and former classmates would own a cell phone, I admit I was jealous.}

Sa ngayon, hindi na ako masyadong naiinggit sa mga cell phones (sobrang kuntento na ako sa aking dalawang taong cell phone), ang nais ko na lang ngayon ay magkaroon ng sariling DSLR Camera. Masyadong mataas pa ang pangarap na ito, ngunit sa takdang panahon alam kong magkakaroon din ako.

{At this point, I am no longer into cell phones (I am very much contented with my two year old cell phone). What I want now is to have my own DSLR Camera. This is still a far fetched dream, but I know in time I will own one.}

Sa dinami-daming gadgets na lumabas sa merkado, ang isa sa hindi ko talaga inasam ay ang MP3 player. Marahil hindi ko naman talaga nagustuhan ang mag-plug ng earphones, pero ang pinakadahilan kung bakit ayaw kong magkaroon ng gadget na ito ay sapagkat pakiramdam ko kapag may nakakabit na MP3 player sa tainga ng isang tao, parang gumagawa siya ng pader na humihiwalay sa kanya sa mundo. Sa katunayan, hindi ko pa nagagamit ang iPod na napanalunan ko mula sa contest ng Coke. Iniisip kong ibenta kaysa amagin sa cabinet, pero hinahadlangan ako ng kapatid ko... gamitin ko na lang daw. Hindi ko pa rin ma-kumbinse ang sarili kong gamitin iyon.

{So many gadgets came out in the market, but the one gadget I never really took interest of was the MP3 player. I guess I didn't like the feel of having earphones, but the very reason why I never wanted it was that I feel having earphones somehow creates a barrier - like putting yourself away from the rest of the world. Actually, I still haven't used the iPod I won from the Coke contest. I am thinking of selling it instead of letting it sit in my cabinet, but my sister didn't want me to. She said I should just use it, but I still haven't convinced myself.}

Ang litratong ito ay kuha noong 2008 pa... ang pekeng iPod na nasa litrato ay sa kapatid ko. Nasira ang kanyang gadyet, kaya ng makita kong pwedeng isaksak ang sira at malaki naming headset, pinaglaruan ko na lang. Laking pasalamat kong pumayag ang pusa kong si Paborito para maging model ko.

{This picture was taken in 2008. The fake iPod in the picture was my sister's. It became dysfunctional, so when I found out I could plug our old and dysfunctional headset, I decided to play with it instead. I was very thankful that my cat Paborito was a willing model.}

*** Jenn ***

7 comments:

Marites said...

naiinggit ako minsan sa mga bagong gadyet na yan pero mas naiingit ako sa DSLR kagaya mo:) maligayang LP!

bang said...

ang cool naman ng pusa! Hehehe!

Anonymous said...

Haha, nagkaron din ako ng pager dati yung bulky version pa those were the days :D

Ang cute ng pusa, may facial expression pa hehe!

Unknown said...

nang mauso ang celphone, sa aming magkakaibigan at magkaopisina, ako ang pinakahuling bumili. ang iPod naman ay gusto ko because i love to listen to music anywhere i am--pero tama ka, nakaka-anti-social nga ang mga headsets.:p

emarene said...

dat's one cool cat! sa totoo lang - parang nag e-enjoy sya. ;)

♥peachkins♥ said...

Cool Shot jen!!!

julie said...

Ano kaya ang iniisip ng iyong alaga? :D