Thursday, July 22, 2010

Tawid (Cross)

Crossing the Bridge


Bago pa man ako magbakasyon sa hometown ni mommy sa Bolinao (Pangasinan) noong Abril, alam na alam na nilang gusto kong makapunta sa kung saan saang lugar at 'di lamang "maburo" sa loob ng isla (ang pamilya ng aking ina ay nakatira sa may Santiago Island). Hindi ko naman inakala na sa pangalawang araw pa lamang ng aking bakasyon ay mapupuntahan ko na kaagad ang mga lugar na nais kong makita (Bolinao Lighthouse).

{Even before I took a vacation in mom's hometown in Bolinao (Pangasinan) last April, they already knew that I wanted to check out different places and not just stay in the island (my maternal family lives in Santiago Island). I didn't realize that in just my 2nd day of vacationing, I already saw what I wanted to see (Bolinao Lighthouse).}

Sinamahan ako ng aking pinsan sa Patar white sand beach para i-enjoy ang tanawin at para makakuha ng litrato. May parte doon na tila parang ilog at doon ko nakita ang tulay na ito na yari sa kawayan. Nakakatuwa lang, habang kinukunan ko ng litrato ang tulay, bigla namang tumawid ang batang ito. Huminto siya sa may gitna at tumalon sa may ilog.

{My cousin went with me to Patar white sand beach to enjoy the view and for me to take pictures. There's a part there that looked like a river, and it was where I saw this bamboo bridge. Funny though, while taking pictures of it, this kid just crossed. He stopped in the middle of the bridge and jumped off.}

Ang sarap maging bata!

{The perks of childhood!}

*** Jenn ***

2 comments:

upto6only said...

hehehe ang cute nung batang walang damit. cya ba yung tumalon?

Unknown said...

haha bold pa ang model mo! ang ganda ng bridge, mukhang matibay at di nakakatakot lakaran. taga Bolinao pala mom mo--super enjoy ako sa weekend stay namin dati sa Boninao. gusto kong bumalik.